1. taong mag-iisabatas ng Konkretong sahod (fix salary) ng mga karpintero. Taong tutulong sa mga empleyadong kontraktwal (ang kontrata)
2. taong mag-iisabatas na bawal magtapon ng basura kung saan-saan. (may kasamang matinding implementasyon)
3. Taong kailangan ng mga Pilipino at Pilipinas ay hindi pala taong tutulong sa mga kapwa nya Pilipino at mahal ang Pilipinas (tutulong sa kapwa upang maiangat ang pamumuhay hindi pamimigay lang ng pera)
4. Isang taong puro aksyon hindi puro salita
5. Taong may konsensya at may paninindigan
6. Isang maglilingkod at hindi naghihintay paglingkuran
7. Taon kasing sipag nga mga Pilipinong kumakayod araw-araw.
8. Taong naiintindihan kung paano ang mag-commute, sumakay ng jeep, mag mrt/lrt/PNRC, taksi, tricycle/pedicab, bisekleta, habal-habal, ro-ro, barko, at iba pa.. Pero ang higit sa lahat isang tao na naiintindihan ang mga taong naglalakad sa mga kalsada ng Maynila, sa gilid ng EDSA, sa mga bangketa at tumatawid ng mga ilang bundok upang makarating sa pinaroroonan.
9. Taong may respeto sa kapwa Pilipino at sa sariling bayan.
10. Isang taong may pagpapahalaga sa mga kabataang pinoy ngayon at iisipan ang kanilang kinabukasan at ng bansa.
Wala akong pakialam kung ikaw ay artista, sikat o hindi, mayaman o simpleng mamamayan, may itsura o wala, nasa ilalim ng isang dinastiya ng pulitika, o isang taong nais tumulong sa pagbabago upang umunlad tayong lahat, ang sa akin lang basta ikaw ay tunay na magsisilbi sa kapwa mo at sa bayan- marahil ikaw ang boboto ko! At kung tatakbo ka lang at hindi mo alam ang ang iyong silbi at gagawin, aba ngayon pa lang mag-isip isip ka na o hindi kaya 'wag ka na lang tumuloy pa?
(Ito po ay isang personal na blog, ang lahat ng nasusulat ay mga opinyon lamang ng manunulat)
NICE!!! :) I will republish :)
ReplyDelete