Monday, February 10, 2014

Balik tanaw

Minsan maganda ring mag-aral muli
Ngunit hindi yung tipong ikaw ay mag-aaral muli nang pang matagalan
Aral lang, basa basa...

Mas epektibo kapag mga nasa 20 anyos pataas ka na
Mas mapapahalagahan mo sya
Kasi nakita mo na ang realidad at medyo  hinog na

Masarap basahin ang mga buhay ng ating mga bayani
Ang kasaysayan muli ng ating bansa
Ang mga kwentong bayan at mga alamat
Hindi ba't mas wala ng kasing saya ang bumalik sa nakaraan
Mga kwentong kaaliw aliw at kaibig-ibig

Minsan masayang magbalik tanaw
At aralin ang bayang iyong sinilangan.....

No comments:

Post a Comment