Monday, October 7, 2013

Hindi ka nag-iisa

Araw-araw pare-pareho ang daan
ang tinatahak ko at tinatahak mo
parehong daan patungo kung saan ka nagmula
iyon at iyon pa rin, wala na ngang iba

sa tuwing tinatahak ko ang aking daan
Nakikita kita parang laging kasabay
katabi sa upuan, kasabay sa paglalakad
Minsan ako'y nasa unahan
Minsan ikaw ay nasa aking likuran

Para bang isang anino na pag sa gabi'y kasabay
Kasa-kasama, parang ka-akbay
Minsan parang ako'y iyong inaakay
Dinadala kung saan dapat tumahan

Minsan ako ay nag-iisa
Naglalakbay patungo kung saan man
Pero alam ko na ikaw ay nandiyan
Nakatingin, nag babantay

Ako ay hindi nangangamba
Walang takot o kaba
Pagkat alam kong ikaw ay kasama
kahit saan mapunta at kahit kailan pa

Tunay na ikaw nga at wala ng iba
Walang katulad sa pag gabay
kaya naman kahit kailan ikaw lang talaga
Ang aking naaalala sa tuwing ako'y mag-isa

At kahit ako'y maglakad sa dilim
Hindi ako matatakot dahil ikaw ay kasama ko
Iyong mga salita syang nagbibigay lakas
Sadyang patunay na kahit kailan ikaw ay laging nariyan.

1 comment: